I was once impeached as class president

Nawala ko ata ang Grade 6 picture ko kaya ito na munang Grade 5.

Hindi ko alam kung naaalala pa ng mga kaklase ko noon, pero inimpeach nila ako noong Grade 6 kami. Impeached. Panahon kasi iyon ng impeachment ni dating pangulong Joseph “Erap” Estrada. Kaya nang maimbestigahan kami ng guro namin dahil sa isang kalokohan at sinabihan akong, “Class president ka pa naman tapos kinukunsinti mo ang mga kaklase mo…” Ayun na, hinatulan na ako ng impeachment ng taong bayan.

Syempre umangal ako noong una. Sabi ko, wala naman akong ginawa habang tinago ng mga kaklase kong babae ang baon ng isa pa naming kaklaseng lalaki (Yes, pasaway din ang mga babae sa pinapasukan naming Catholic school). Pero accessory to the crime daw ako. At ayun na nga, wala akong ginawa para itama ang mali. Hindi ko pa ata masyadong ginagamit ang salitang accountability noon pero iyon siguro ang dapat tinanong sa akin. Nasaan ang accountability mo?

Simple lang naman. Linahad ang kwento. Umamin akong wala nga akong ginawa at nakipag-tawanan pa sa mga gumawa nun (pero hindi ko na sinabi na tumawa ako, of course). At then and there nagbotohan sila ng bagong class president. Ouch.

Pero tinanggap ko iyon. Bilang batang pasaway pero may konsensya, nagpuna ako sa sarili at nangakong hindi na magpapahuli…este gagawa ng kalokohan(g maaaring makasakit sa ibang tao). Simula din noon ay umiiwas na ako sa leadership roles. Ayoko na ng responsibilidad. Sino ba namang may gusto sa mga taong stickler for rules/strict.

Naaalala ko pa. Ako pa yung napiling Conduct Awardee nung graduation. Nagkaroon ng panandaliang protesta mula sa mga lalaki naming batchmates (feminist na ako noon pa man at madalas nang-aaway ng mga lalaki), para bang si Hillary Clinton na na-heckle. Pero joke lang naman yung protesta na yun at natuwa pa nga ako at may ganun akong reputasyon.

Mananatili mang pasaway, pagkatapos kong ma-impeach, lalong tumibay ang konsensya ko (so to speak). Lagi kong iniisip kung tama ba ang ginagawa ko, makatarungan ba ito o patas. Kaya siguro naging aktibista ako at nandito ako ngayon.

Ngayon, isa ako sa milyon-milyong Pilipino na sumusubaybay sa impeachment case laban kay Chief Justice Renato Corona. Nabigyan din ako ng oportunidad na matunghayan ang bakbakan ng malapitan. Hindi ko tatalakayin dito ang kaso o magbibigay ng inside information. Ang masasabi ko lang, anuman ang performance ng mga tauhan sa telenovelang ito, kampante ako na alam ng mamamayan kung ano ang tama. Konsistent ang lumalabas sa mga TV at online polls. Naniniwala ang karamihan na tama lang na imbestigahan si Corona, lalo na ang kanyang kinalaman sa pagtakas ni Gloria Macapagal-Arroyo sa hustisya.

Power corrupts, sabi nila. Pero ito ay dahil pumapayag tayong pumasok sa sistema at sitwasyong sumisira sa ating pagiging tao, pagkakaroon ng konsensya at malasakit sa kapwa.

Justice and accountability. At pagkilala na nasa posisyon ka ngayon pero ang kapangyarihan na ilagay at tanggalin ka dyan ay nasa taong bayan pa rin. Iyan ang ating kailangan.

Ngayon, dapat gamitin ng mga totoong nagsisilbi sa bayan ang oportunidad na ito upang ipakita ang kabulukan ng kasalukuyang sistema at ang kahusayan ng pagkakaroon ng tunay na mga kinatawan ng sambayanan.

 

 

 

POST SCRIPT: Since posting this entry, may mga nagsabi na na na-impeach din sila o nag-impeach ng kaklase noong high school. Mukhang malaki ang naging impact ng impeachment ni Erap sa mga kabataan noon. Sabi nga ng isang kaibigan, “Nafeel ng mga tao ang magdemocratic exercise!”

About Tine

Nuisance congressional staff and online freelance writer. Now a bugging blogger.

8 Comments

  1. Macy

    Huh? Hindi ko alam tong kwento na ito ha. Ikaw naimpeach? Sinong teacher un? Kilala ko ba? Pm moko. Haha.

  2. jing

    realy? you’re too angelic to be impeached.;) btw tine, saan ka sa picture? di kita makita eh. hehe.

  3. pinoyjourn

    Class president din ako nung Grade 6, pero buti hindi sumagi sa utak ng mga kaklase kong ipa-impeach ako. Pero katulad mo, paglipat ko ng high school, at sa panibagong paaralan, umiwas na rin akong magpaboto bilang pangulo ng klase. Dun na rin ako nagsimulang magfocus sa pagiging press at hindi gobyerno. Pero napansin kong hirap pa rin akong mapalayo sa mga pagkakataong may kinalaman sa kapangyarihan.

    Buti hindi tayo naudyok mag-abugado?

    • Matagal na akong tinatawag ng law…pero consciously kong linalabanan ang urge na sumubok mag-LAE. Gusto ko ng relatively tahimik na buhay. :)

  4. Sa bagay, ganun din ako. Pero ayun, iba ang gusto ko gawin–for now. :)

  5. Hahahaha. Guilty aco! Aco ung nagtago ng baunan ni Jaypee. At na-impeach din aco bilang secretary. (or VP?) basta na-impeach din aco nun. Well, sakin naman mas natuto aco after that :) bata pa naman tayo nun. Although, sensitive din naman tayo. Yay. Nostalgic days. May pic aco sa fb ng Grade6 natin na class pic :$

Leave a Reply

Fill in your details below or click an icon to log in:

WordPress.com Logo

You are commenting using your WordPress.com account. Log Out / Change )

Twitter picture

You are commenting using your Twitter account. Log Out / Change )

Facebook photo

You are commenting using your Facebook account. Log Out / Change )

Connecting to %s